RITUAL SA BUKANG LIWAYWAY

pagbukas ng mata,
diretso agad sa kubeta.
pag-ihi
ang unang hirit ko sa umaga.

minsan matigas pa ang titi ko
“morning glory” yata ang tawag dito
kaya tuloy mahirap mashoot
ang ihi sa inodoro

kapag hindi naman ako matae,
umiinom ako ng kape,
o kahit anong
mainit na inumin.

ang hirap kasing umalis
ng bahay kung di ka malinis,
bagong ligo,
mabango at naka ebak.