auntie nana

pumanaw ang auntie ko
nung isang linggo
sino na ngayon
ang nakatawang
sasagot sa
mga tanong kong
pabiro
sa telepono?

Posted in HOME | Leave a comment

milagro

limang minuto na siyang nagdarasal
na pahintuin na ng panginoong diyos
ang pait na nararamdaman niya sa kalooban
nang biglang umulan ng palaka.

apat na oras na siyang nakaluhod
di siya makalabas ng simbahan
ihing-ihi na siya at namimilipit
tumila na ang ulan, kapagdaka.

Posted in LIFE | Leave a comment

humalik sa semento

Old poem, June 2005: Humalik sa Semento

Posted in LIFE, THE WORLD AROUND ME | 2 Comments

accidental bungal

humatsing ng malakas
lumipad ang pustiso.
gilagid na lang ang pang nguya.

Posted in Haiku | 1 Comment

gusot

magaling siyang pumorma,
kaya lang may amnesia.
nakalimutan niyang magsuklay.

Posted in Haiku | 1 Comment

crash helmet blues

tuesday morning strawberry harvest,
pedal pushing weekday biker passes by.
waterloo sunset’s fine.

Posted in Haiku | Leave a comment

Hala ka

nagkaroon siya ng LBM
kasabay ng matinding ubo.
lagot.

Posted in Haiku | 4 Comments

Nagtipid, Namatay

may bara sa lalamunan
dahil kumain siya ng suman.
hindi siya umorder ng sopdrink.

Posted in Haiku | 3 Comments

new year blues

kulangot na may buto,
sininghot sa usok ng paputok.
katas ng bagong taon

Posted in Haiku | Leave a comment

nangungulangot

sinundot niya ang kanyang ilong
may lumabas na parang binatog,
habang walang nakatingin.

Posted in Haiku | Leave a comment